ano ba’ng hanap mo?

May magandang coffee shop sa Puerto Princesa. Itoy’s ang pangalan. Kaya nung napasyal kaming mag-asawa, isa yun sa mga hinanap namin.

“Manong, sa Itoy’s po, yung kapihan. Alam nyo po ba yun? Sa Rizal Avenue daw.”

“A, oo, madali lang hanapin yun, sakay na.”

Matapos baybayin ang kahabaan ng kalye, tumigil. Sa tapat ng … dyaraaan …  paparampapam-love-ko-to … McDo!

“Ahm, manong asan na po yung Itoy’s?”

“Itu, o” sabay turo. Nakailang palipat-lipat din kami ng tingin mula sa kanyang nguso at sa yellow na M.

“Hindi po Manong, McDo po yan e …”

Siya: “Ano ba’ng hanap nyo?”

“Kape.”

“Ayan, may kape diyan.”

(Ayus!)

Tuloy, sa tuwing may di-inaasahang-pangyayari, lagi kaming bumabalik sa eksenang ito.

Halimbawa, umorder ako ng “2 boiled eggs” nung kami naman ay nasa Ho Chi Minh. Matapos akong tanungin dalawang beses kung 2 boiled eggs nga (mahirap magkaintindihan —  magkaiba naman talaga ang accent natin sa kanila), ang dumating sa aming mesa ay … dyaraan … 2 sunny-side-up, as you please!  Mabilis ang hirit ng aking mag-ama. “Ma, ano ba kasi ang hanap mo? Boiled eggs? Itu,o!” sabay tawa.

Siguro, ganyan talaga ang buhay. Minsan, mahaba man ang pasikot-sikot, nakakamtan din ang nais ng puso. Gaya ng Itoy’s — salamat sa isang drayber na sumaklolo, naihatid din kami ni Manong sa tamang lugar. Na-enjoy namin ang kape sabay ng live acoustic music.

Minsan  naman, wala kang magawa kundi baguhin ang depinisyon mo ng mga bagay- bagay. Boiled eggs ba kamo? (Alangan namang makipag-away ka pa? Ke aga-aga.) Puwes, yun na ang pinaka-espesyal na boiled eggs na natikman ko. Bow!

Araw-araw may engkwentro tayong ganito. Iba ang nais mo, iba ang bigay ng tadhana sa yo. Gusto mo ng … gadget, boypren, asawa, anak … o di kaya ibang gadget, ibang boypren, (wag naman sana ibang asawa o anak). Siguro darating yun, abang-abang din pag may time. Pero pwede rin na hindi na mangyari, kaya adjust-adjust ka na lang.

Sabi nga nila, when life gives you lemons, make lemonade.

Sabi ko naman, ano ba’ng hanap mo?

 

[Photo Credit: Andréi Freitas / Unsplash]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: